Isang Makamasang Istorya: Danas ng Komyuter at Jeepney Driver sa Pilipinas
Sa bawat sulok ng Pilipinas, mula sa kabisera ng Maynila hanggang sa malalayong probinsya, ang komyuter at jeepney driver ay parte na ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ang kanilang mga kwento ay salamin ng hirap at tagumpay, ng pagtitiis at pagsusumikap, at ng buhay na bumabalot sa mga kalsadang puno ng trapiko at ingay. Parte ng bawat isa; kultura ng madla, ganyan natin sinasalamin ang bawat jeepney na pumapasada. Hari ng kalsada, kesyo nga nila. Sa masang Pilipino, jeepney ang taga hatid-sundo, kahit saang destinasyon, may jeepney na pumapasada. Sa bawat araw o unos, may masasakyan ka. Pero may iba’t ibang bahagi ang bawat istorya, hindi iisa ang kwento ng bawat isa. May kwentong komyuter, may kwentong tsuper, at may panig ang kung sino mang nasa katungkulan o kahit pa ordinaryong tao lang. Bawat isa ay may posisyon, bagaman ang iba’y limitado ang kakayahan pero meron pa ring boses upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Karapatang magkaroon ng nalalaman s...