Posts

Showing posts with the label Group 2

Higit pa sa bato at rebulto; simbahan bilang haligi ng Brgy. Binuangan

Image
  Higit pa sa bato at rebulto; simbahan bilang haligi ng Brgy. Binuangan nina Lawrence Francisco, Vince Moraga, Arselle Poblete Isa sa mga temporary learning space o TLS ng Brgy. Binuangan na espasyo ng isa sa mga simbahan na pumayag hiramin ang pook-sambahan. Nakalagay sa pisara ang oras ng mga klase at ang mga guro. Ang pananampalataya ay lampas pa sa kahit anong pader at rebulto na matatagpuan sa simbahan. Kinakanlong ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan ang mga residente ng Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan sa panahon ng agam-agam na dulot ng itinatayong New Manila International Airport (NMIA) at sa kakulangan ng espasyo para sa mga mag-aaral. Para sa mga namamalakaya sa katubigan ng Brgy. Binuangan, malaking dagok sa kanilang kabuhayan ang NMIA na kung dati ay umaabot sa tatlong libong piso ang kita nila sa isang araw, bumagsak ito sa limang daang piso na lamang. Ayon kay Renen Cruz Rivera, 44 anyos, kalihim ng Binuangan Fisherfolk Association, at tubong Bin...
Higit pa sa bato at rebulto; simbahan bilang haligi ng Brgy. Binuangan           Ang sabi nila, nagmula sa salitang buang, na ang ibig sabihin, niloko.           Sa kasalukuyan, may natitira na lang na dalawang taon ang Brgy. Binuangan dito sa Obando, Bulacan, bago tuluyang magbago ang buhay ng mga residente sa itinatayong paliparan ng San Miguel Corporation.           Hindi mo sukat akalaing, sa gitna ng delubyo ng basura, at sa pagmamatyag ng militar sa mga dating pinamamalautan ng mga residente, sandalan nila ang Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan.           Ngunit dahil mapanuya ang may kapangyarihan, tatlo sa sub-parishes ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish na lamang ang natitira. Isa si Eva Rivera, kuwarentay tres anyos na kusinera at walong taong lektor ng simbahan, sa mga natulungan nito lalo na noong pandemya.      ...
Image
Survey 2: Kawalan ng silid-aralan, problema sa Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan  CITIZEN AND COMMUNITY JOURNALISM Binuangan Elementary School noong Pebrero 20. (Kuha ni: Vince Moraga)                       Hindi aksesibol at ligtas para sa mga guro at mag-aaral ang isa sa mga building ng Binuangan Elementary School sa Brgy. Binuangan Obando, Bulacan, matapos tamaan ng lindol ang kanilang paaralan nitong nakaraang taon, na naging sanhi ng paggiba nito at ng panghihiram ng mga temporary learning spaces sa mga simbahan.                      "Bali sa school ay shifting ang pasok ng mga bata may pang-umaga at pang-hapon, dahil kulang talaga sa pasilidad," saad ni Michael. Pangalan Edad/Seks Trabaho Karanasan/Kuwento Fr. Ramon Roque Garcia 49/M dating kura paroko ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan (Hunyo 2019-Enero 2021) -4 sa 5 limang taga-Bi...
Image
Survey 1: Mga residente ng Brgy. Binuangan, ikinuwento ang kanilang kabuhayan bago at pagdating ng San Miguel Corporation airport  CITIZEN AND COMMUNITY JOURNALISM                                                 Mangingisda sa Binuangan ( Larawang kuha ni; Law Francisco)                          ”Ang dagat para sa lahat kaso inaangkin nila.” Isinalaysay nina Lucky (hindi niya totoong pangalan) at ng mga residente ng Brgy. Binuangan sa Bulakan, Bulacan ang kanilang buhay at kabuhayan nang Huwebes, ika-15 ng Pebrero ngayong taon, sa gitna ng operasyong airport ng San Miguel Corporation (SMC).                         Narito ang pahayag ng ilan sa kanila. Pangalan Edad/Seks Trabaho Karanasan/Kuwento ...