Survey 2: Kawalan ng silid-aralan, problema sa Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan
CITIZEN AND COMMUNITY JOURNALISM
Binuangan Elementary School noong Pebrero 20. (Kuha ni: Vince Moraga)
Hindi aksesibol at ligtas para sa mga guro at mag-aaral ang isa sa mga building ng Binuangan Elementary School sa Brgy. Binuangan Obando, Bulacan, matapos tamaan ng lindol ang kanilang paaralan nitong nakaraang taon, na naging sanhi ng paggiba nito at ng panghihiram ng mga temporary learning spaces sa mga simbahan.
"Bali sa school ay shifting ang pasok ng mga bata may pang-umaga at pang-hapon, dahil kulang talaga sa pasilidad," saad ni Michael.
Pangalan | Edad/Seks | Trabaho | Karanasan/Kuwento |
Fr. Ramon Roque Garcia
| 49/M | dating kura paroko ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan (Hunyo 2019-Enero 2021) | -4 sa 5 limang taga-Binuangan ay Katoliko (80%), kaya malaki ang impluwensiya ng simbahan
-kawalang kasiguraduhan at pangamba ang dala ng planong airport sa kabuhayan ng mga mangingisda
-nagkaroon ng bagyo noong 2011 na abot hanggang balikat sa Binuangan
-nagsilbing suportang moral si Bishop Dennis Villarojo, DD, sa pagbisita nito
-gumigitna sa negosasyon sa pagitan ng San Miguel Corporation (SMC) at mga mamamalakaya
-may ilang humihirit ng dagdag na kompensasyon, pero fake news lamang ang kumakalat na nagdaragdag sila
-nagbanggit rin siya ng listahan ng mga sinuportahang pamilya |
Michael John Dela Cruz
| M | kasalukuyang Sekretariya ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan | -sa sampung sub-parishes ng ng parokya nila, tatlo na lamang ang natira (ang ibang sub-parishes dati, binili na ng SMC, na siya namang ibinilin ni Bishop Dennis na huwag ibenta ang natitira)
-sa Binuangan Elementary School, may kasunduan at pirmahan ang District Office ng DepEd at ang Bayan ng Obando sa pangunguna ng punong guro na ipahiram ang parokya sa kapahintulutan ng kura paroko upang magamit ng mga nasa Ikatlong Baitang (Grade 3) bilang Alternative Learning Space
-kanlungan at tahanan sa mga mananampalataya ang parokya nila lalo ngayon na apektado sila ng reklamasyon ng airport
-mahirap ang sitwasyon ng mga guro dahil magkakalayo sila ng lugar na pinagtuturuan (at nakikipuwesto lamang sila bagaman magiliw na ipinahiram ang mga TLS)
-”iniisip ng karamihan kung ano ang aabutin ng bukas” ngayong nanghihinang lalo ang panghuhuli ng lamandagat at iniiisip na baka pati ang Binuangan ay bilhin
-walang siguradong sagot kung natulungan ng simabahan ang mga na-relocate, pero binibisita sila ng Obispo bago tuluyang umalis ang mga naninirahan
-fixed ang mga schedule ng simbahan, kaya naman mga guro at mag-aaral ang nag-aadjust
-may bahagi rin sa kuryente at tubig ang paaralan habang nagagamit nila ang mga ilaw, electric fan, at palikuran
-wala pang balita kung masasagasaan ng SMC ang Binuangan
-Wala pang bilihan ng lupa ang nagaganap sa Binuangan sa ngayon
|
Renen Cruz Rivera
| M/44 | Sekretariya ng Binuangan Fisherfolk Association | -halos dalawang dekada na ang lumipas nang magsimulang magbaklad, ang bumubuhay sa kanila
-nag-aaral sa YouTube ng panibagong pagkakakitaan (internet provider, pisowifi, at sound system)
-mula sa Samahang Mamamaklad, naging Binuangan Fisherfolk Association ang kanilang grupo dahil ipinarehistro upang maging legal at kllalanin ng SMC
-may ibang tulong ang gobyerno na napupunta sa hindi mangingisda, na siya namang “[‘]di karapat[-]dapat bigyan” sa kanyang pananaw
-12 hanggang 15 ang binayaran upang pansamantalang ‘di makapagbaklad
-tahimik lang sila (SMC) sa negosasyon at sa nabayaran lang nakikipag-usap
-hindi kasama sa ipinatigil ni Marcos Jr. ang NMIA dahil hindi rin naman raw reklamasyon ang SMC airport
-sa tulong ng gobyerno, may permit na muli sila na magbaklad (para hindi sila ilegal, nagbabayad sila ng tamang buwis)
-2019 ang tanda niyang pagtigil sa pagbibigay ng permit na magbaklad
–may illang patuloy na namamaklad dahil binubuhay pa rin sila, at may ilang bumubuo na ng ibang pangkabuhayan
-para sa kanila at sa kanilang mga ninuno, baklad ang kinabubuhay nila (mula sa 300 pirasong baklad dati, humigit-kumulang 200 na lamang ngayon)
-lumilipat sila dahil wala nang mahuli sa dating puwesto (na siyang lalala kapag mag-umpisa na ang reklamasyon sa Navotas)
-sa isang pandaw, 5-20 na kilo ang dating huli nila sa hipon sa mismong tapat ng airport (mayaman rin ang puwesto sa alimango, lapu-lapu, atbp.)
-hindi sila nababayaran dahil walang nakikipag-ugnayan mula SMC
-ilog ang pinagkukunan nila ng kanilang kabuhayan, kaya hindi nila kailangang mabayaran
-mula sa hindi bababa sa 3,000 piso na pinamakaraming huli sa isang araw, mapalad na ang makakuha ng 500 piso
-kinukuhaan ng litrato ang pumupunta sa gilid ng airport bilang 1st offense
-may insidente rin na paghahanap ng lisensya sa kanilang malilit na bangka mula sa maritime nitong nakaraang taon, habang nakaranas ang iba ng pananakot
-wala silang masyadong magawa dahil sa permit mula sa Philippine Reclamation Authority
-hindi sila tutol sa pag-unlad, nais lamang nila na hindi mawala ang kabuhayan nilang mamaklad |

Fr. Ramon Garcia, dating kura paroko Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan. (Kuha ni Vince Moraga)
Sa araw-araw, ganito ang danas ng mga mag-aaral sa kanilang barrio. Wika pa niya, kinausap sila ng DepEd at ng mga opisyal ng barangay na kung maaari ay pansamantalang gamitin muna ang mga simbahan ng Binuangan upang magsilbing silid-aralan habang wala pang naitatayong bagong pasilidad.
"Ang sabi kasi ng mga engineer ay wala na yung lupa napinagkakapitan ng poste at mahina na rin ito," Dagdag pa niya.
Ang pasilidad sa simbahan na nakapaloob sa barangay ay hindi tugma sa kung ano ang pangangailangan ng mag-aaral at guro. Dahil dito, patuloy silang nahihirapan lalo na tuwing umuulan dahil walang maayos na pader ang simbahan.
Comments
Post a Comment