Survey 1: Mga residente ng Brgy. Binuangan, ikinuwento ang kanilang kabuhayan bago at pagdating ng San Miguel Corporation airport
 CITIZEN AND COMMUNITY JOURNALISM

                
                       Mangingisda sa Binuangan (Larawang kuha ni; Law Francisco)
    
                ”Ang dagat para sa lahat kaso inaangkin nila.” Isinalaysay nina Lucky (hindi niya totoong pangalan) at ng mga residente ng Brgy. Binuangan sa Bulakan, Bulacan ang kanilang buhay at kabuhayan nang Huwebes, ika-15 ng Pebrero ngayong taon, sa gitna ng operasyong airport ng San Miguel Corporation (SMC).
    
                Narito ang pahayag ng ilan sa kanila.

Pangalan

Edad/Seks

Trabaho

Karanasan/Kuwento

  1. Erwin Gonzales

M

Mangingisda/Brgy Tanod

-Alyas ‘Wewe’, tubong Binuangan

-may mga tandang nakalagay kung saan pwedeng mangisda


-Tinatakot ang Norway, isa sa pinakamalaking bangka ng Binuangan, dahil sa laki nito upang kumarga ng huli, pananakot na naranasan niya mismo


-300-500 piso ang madalas na kapal ng huli na dating 1,000 pesos)


-50,000 piso ang pagtanggal ng baklad


-parehong kinukuha ang mga ilog at ang barangay ng SMC para sa itinatayong airport construction nito


-30 minuto ang tinatahak ng bangka kung magkaroon ng may sakit, isang pasakit sa pamilyang hindi naman mayaman

  1. Danny Tupaz

M/62 anyos

taong-simbahan

-chairman ng isang simbahan


-binibigyang trabaho ang kabataan ng Binuangan (6 na taong gulang ang pinakabata) na maglinis ng tahong 


-60 hanggang 70 kada gallon, 7 kada gallon kasama ang libreng pagkain


-pinagamit ang kanyang simbahan bilang pansamantalang silid-aralan ng elementarya ng Binuangan na alanganin gamitin matapos ang lindol noong 2023 


- nakipag-ugnay ang mga kapitan ng barangay sa mga relihiyoso upang bigyang espasyo sa edukasyon ang mga nasa elementarya sa kani-kanilang simbahan


-nasa 4,000 ang rehistradong botante, habang kalahati ng kabuuang populasyon ang hindi rehistrado

  1. Freddie Anzures

M/65

Mangingisda

-tubong Binuqngan na gumagawa ng baklad para sa anak niya na mayroong baklad binabayaran siya nito


-nakahuhuli ng alimango at alimasag dati


-nasa 20,000-50,000 piso ang pagpapagawa ng bangka depende sa laki (may makinarya na ang 20,000 piso)


-ibinenta ang mga bahagi ng kanyang bangka, na dating kaya isakay hanggang tatlong tao


-tumatanggap ng paggawa ng net ng baklad

  1. Terisa Arguwanon

F

vendor

-nagmula sa Palawan, naninirahan siya dito nang higit sa 20 taon matapos malugi ang negosyong tuyo sa pier


-hindi apektado ng curfew na 10pm ang mga mangingisda

  1. Joan Catugis

F

vendor

-asawa ni William Catugis, na may mga bayaw na mangingisda rin


-iba-iba ang lakas ng huli, may ilan na mas malakas ang baklad nila at mayroong rin mas mahina.


-50,000 piso kada baklad ang bayad kada isang masasagasaan ng korporasyon


-matindi ang pagbabantay sa kanila kaya natatakot ang mga residente na magsalita tungkol sa Binuangan ngayon


-vegetable vendor by day, grilling various meat before dusk and anything popular

  1. Jesser Manalaysay

M

dispatcher

-tubong BInuangan na naging mangingisda sa loob ng dalawang taon noong pandemya


-depende sa amihan ang kadalasang huli (Lakar, Bakokok, Mamale, hipon)


-kahit anong oras ang pamamalaot, basta kung kailan makahuli (umaga, tanghali, hapon, gabi, kahit pa hatinggabi)


-”Ang dagat para sa lahat kaso inaangkin nila.” 

  1. Aries Silverio

M

mangingisda

-Dating maganda ang kita, pero hinda na maganda ang huli simulang nang magkaroon ng reklamasyon, na nagpababa nang husto sa karaniwang huli

  1. William Catugis

M

Vendor

-Asawa ni Joan Catugis


-kababata rin ni Joan, parehong tubong Binuangan


-mangingisda katulad ng mga kapatid niya, pero vendor ng mga karne (isaw, betamax, barbecue, atbp.)


-may iilan na mas malaki ang kita sa baklad, pero dahil sa airport, humina rin

  1. Jaw Perez 

M

mangingisda

-sumasampa sa Norway, isang uri ng malaking bangka ng mangingisda


-mula 1,000 piso, naging 500 piso na lang ang kinikita sa isang araw


-lumiit ang kita dahil sa boya na nakaharang sa dating pinapalauta

  1. Jasper

M

mangingisda

-5,000 hanggang 8,000 piso ang kinikita noon dahil dalawa sila ng anak niya


-hindi na sapat ang 1,500 hanggang 3,000 piso matapos ang pagdating ng konstruksyon sa airport


   Kalahati sa mga residenteng nakapanayam ay mangingisda, habang tatlo naman ang vendor. Karamihan sa usapin ng kung paanong naapektuhan nang malubha ang kita at ang huli ng pangingisda ay maiuugat sa pagdating ng itinatayong airport ng korporasyon.


Binalewala ni Lucky, dating mangingisda noong pandemya, ang restriksyon ng militar na empleyado ng korporasyon, sa dahilang nangingibabaw ang kanilang kita sa hirap na pinaigting ng pandemya.


                Ito ang airport ng SMC, tanaw mula sa parola o lighthouse ng Barangay Binuangan.
              (Kuha ni: Law Francisco)



                                Arselle Poblete (Kuha ni: Law Francisco)



                                           Mga residente ng Binuangan (Kuha ni: Vince Moraga)


Barangay Binuangan mula sa tuktok ng kanilang lighthouse (Kuha ni: Vince Moraga)



Binabaklas naman ang mga baklad (isang uri ng patibong sa isda) ng mga tinderang may mga kamag-anak na mangingisda sa halagang 50,000 piso.


Sa pahayag ni Kuya Wewe, mangingisda rin ng Binuangan, kumikita sila ng 1,0000 piso kada araw bago dumating ang itinatayong airport, habang suwertehan na kung maka-500 piso ngayon.


                



              Binubuhay ng pamamalaot ang kanilang pamayanan. Ipinakikita ng bawat salaysay na malalim ang ugnayan ng kabuhayan ng Brgy. Binuangan sa katubigang nakapaligid sa kanila.



       Ulat nina: Law Francisco, Vince Moraga, Arselle Poblete

Comments

Popular posts from this blog

'FILO ENGENES KEEP ON WINNING': Enhypen ties with PH fans bides stronger

LOOK: 19-year old Psychology student went viral for her self-composed song 'Maria Clara' empowering morenas

Height Reveal Naman Diyan!