Higit pa sa bato at rebulto; simbahan bilang haligi ng Brgy. Binuangan



        Ang sabi nila, nagmula sa salitang buang, na ang ibig sabihin, niloko.


        Sa kasalukuyan, may natitira na lang na dalawang taon ang Brgy. Binuangan dito sa Obando, Bulacan, bago tuluyang magbago ang buhay ng mga residente sa itinatayong paliparan ng San Miguel Corporation.


        Hindi mo sukat akalaing, sa gitna ng delubyo ng basura, at sa pagmamatyag ng militar sa mga dating pinamamalautan ng mga residente, sandalan nila ang Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan.


        Ngunit dahil mapanuya ang may kapangyarihan, tatlo sa sub-parishes ng Nuestra Señora de Salambao Mission Parish na lamang ang natitira.


Isa si Eva Rivera, kuwarentay tres anyos na kusinera at walong taong lektor ng simbahan, sa mga natulungan nito lalo na noong pandemya.


        Kung babagtasin ang kabilang dulo ng barangay, daratnan naman ang Binuangan Elementary School. Bubungad ang tinibag na building sa kanang bahagi ng tarangkahan nito dulot ng isang lindol noong ikadalawampu’t pito (27) ng Hulyo 2022. Dahil dito, may iilang baitang ang nagkaklase sa espasyo ng Salambao, kasama ang mga simbahang karatig na St. John the Baptist, United Methodist Church, at Jesus is Lord. 


        Sa kasalukuyan, may apat na lamang natitirang sub-parishes na nasa ilalim ng Nuestra Senora de Salambao. Nabawasan man ng espasyo, naroon pa rin ang temporary learning setup na kasunduan ng pamahalaan ng Obando at ng mga simbahan, partikular na sa Salambao.


       Ito ang simbahan bilang katuwang ng Binuangan. Nanatili pa ring nagtutunggali ang dalawang kapangyarihan upang hatulan ang kapalaran ng mga mamamayan nito. 


Comments

Popular posts from this blog

'FILO ENGENES KEEP ON WINNING': Enhypen ties with PH fans bides stronger

Survey 1: Survey of community issues/problems among citizens of Barangay Binuangan, Obando, Bulacan.