Bahay sa San Miguel, Bulacan tinupok ng apoy, isa nasugatan
Tinupok ng apoy ang isang bahay mula sa Barangay Sibul, San Miguel, Bulacan nitong Sabado ng hapon, ika-16 ng Marso, 2024.
Isang residente ang nasugatan sa pagtulong sa pag-apula ng apoy. Habang ligtas naman ang mga residente ng nasunog na bahay.
Agad din naman itong narespondehan ng mga bumbero, pati na rin ng kasundaluhan.
Nakuhaan ang pangyayaring ito sa live video sa facebook page ng vlogger na si Coach Moto.
Sa panayam ni Coach Moto, "Around 3 - 3:30pm yan nag start nung napadaan ako sa nasusunugan.”
Hindi naman agad natukoy ang pinagmulan ng sunog. Ayon lamang sa isang residente, napansin na lang daw nila na may nasusunog na sa lugar na iyon, at napag-alamang pagmamay-ari ng pamilya Catu.
Tinawagan umano ng mga nakakita ang may-ari ng bahay upang ipaalam ang nangyayari.
Si Coach Moto ay naimbitahan ng SK Chairman bilang guest sa liga ng barangay, at noong papunta na siya ay nakita niya ang naganap na sunog kaya’t naglive siya sa facebook, upang malaman daw ng iba ang sitwasyon.
Makalipas ang ilang araw nalamang nagsimula raw ang sunog dahil sa rice cooker.
Link ng facebook live video: https://fb.watch/qSkQ9xPAVx/
Comments
Post a Comment