E-bike na nakaparada sa "bawal pumarada" sinita.

E-bike na nakaparada sa "bawal pumarada" sinita.



COURTESY; Mr Oppa Tv



Ayon sa uploader ng video na si Mr Oppa TV, alas-quatro ng hapon noong ika-apat ng Pebrero 2024 habang siya'y nag papatrolya sa Bayan ng Malolos ay may namataan siyang e-bike na nakaparada sa tapat ng karatulang may nakasulat na "bawal pumarada dito."

Aniya, hindi naman na pumalag ang nasabing e-bike rider kaya mabilis na natapos ang usapan.

Samantala, matatandaang napag uusapan na kung dapat na bang bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng e-bike.

Para kay Mr Oppa TV, “dapat na rin na magkaroon sila ng lisensya dahil parehas na din naman sila[ng] gumagamit ng pampublikong kalsada.”

Para na rin sa kaligtasan ng lahat, dapat na magkaroon sila ng seminar kung ano ang dapat na gawin pag nagmamaneho sa pampublikong kalsada, dagdag pa niya.

Sa nagdaang panahon kapansin-pansin ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng e-bike bilang pang serbis sa trabaho, pamalengke pati na rin serbis sa eskwela.

Kaya naman doble ingat ang dapat pairalin sa kalsada, mapa-kotse man, bisikleta o e-bike.







Comments

Popular posts from this blog

'FILO ENGENES KEEP ON WINNING': Enhypen ties with PH fans bides stronger

LOOK: 19-year old Psychology student went viral for her self-composed song 'Maria Clara' empowering morenas