Height Reveal Naman Diyan!

Isang pasahero ng jeepney sa Baguio ang kinagiliwan ng netizens sa in-upload niyang video sa Tiktok kung saan makikitang diretso siyang nakatayo pababa ng jeepney.

Ang video ay inupload ng Tiktok user na si Jellyrose Navaja na siya ring mismong nasa video.

COURTESY: Jellyrose Navaja | (@_jelly.rose)

Ani niya, sa gitna ng kwentuhan nilang magkakaibigan ay nagkatuwaan lamang daw sila na video-han ang naturang content sapagkat napansin nilang mataas ang ceiling ng jeep na kanilang nasakyan.

"Sabi ko i-video nila ako (gamit ang phone ko) syempre for fun na rin. Pagkauwi, in-upload ko for 'eme eme' lang and hindi ko inexpect na magvaviral siya."

Ani naman ng mga commenters sa Tiktok posts ay, "Height reveal naman po." , "Parang naglalakad lang sa hallway eh."



Comments under Jellyrose Navaja's Tiktok Video

Karaniwan na raw at normal ang disenyo ng matataas na kisame ng jeepney sa Benguet at Baguio. Sa ngayon, may 7.4 Million views ang viral video na ito ni Jellyrose na nakaupload sa kanyang Tiktok account.


Comments

Popular posts from this blog

'FILO ENGENES KEEP ON WINNING': Enhypen ties with PH fans bides stronger

LOOK: 19-year old Psychology student went viral for her self-composed song 'Maria Clara' empowering morenas