INSPIRASYON SA MARAMING TAO HABANG INAABOT ANG PANGARAP

By: Rosanna Malicsi





Courtesy: Joycelyn Escarez Vlogs via Facebook



Ibinahagi ni Joycelyn Escarez ang magandang simula ng kaniyang taon, “FIRST EVER TV APPEARANCE,” at ito ay sa isang TV Program ng TV 5. Aniya ito ay isang achievement para sa kaniya at para sa kaniyang business na Cakes n Cookies by Joyce.


 Ipinakita niya ang iba’t ibang gawa niyang cake katulad ng Birthday Cake, Valentine Cake na may kakaibang pakulo, at ang kaniyang pinakabagong gawa na cake ay Cartoon Comic Cake na hinangaan ng mga netizen.




Courtesy: Cakes n Cookies by Joyce via Tiktok



Sa kaniyang Tiktok post ay mayroon nang unang omorder ng kaniyang Cartoon Comic Cake na ayon kay Joycelyn ay hindi niya alam ang ipre-presyo dahil ito pa lamang ang unang beses na makakapagbenta siya nito. 






Ang video na ito ay umani naman ng papuri, komento, at iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Ang iba ay natuwa at nagalingan sa naturang kakaibang cake. 


Agaw-atensyon naman ang komento ng isang netizen na may username na Yelo, aniya ay noong napanood niya ang mga bidyo ni Joycelyn taong 2022 ay naging isa siya sa mga inspirasyon niya upang magsimula ng cake business at ngayon ay isa na rin siyang baker.


Ito naman ay ikinatuwa ni Joycelyn dahil sa kaniyang ginagawa ay mayroon siyang naiinspira, natutulungan, at napapasayang mga tao mula sa kaniyang talento at galing sa pagbake.


Comments

Popular posts from this blog

'FILO ENGENES KEEP ON WINNING': Enhypen ties with PH fans bides stronger

Survey 1: Survey of community issues/problems among citizens of Barangay Binuangan, Obando, Bulacan.