#JusticeForKillua: Nagpalawig ng kaalaman ukol sa animal abuse
Umani ng atensyon at simpatya mula sa publiko ang hindi makatarungang sanhi ng pagkamatay ni Killua, isang 3-taong golden retriever na isinako matapos itong walang awang patayin ng isang lalaki nitong ika-17 ng Marso, 2024 sa Bato, Camarines Sur.
"And if nangagat man, it is not enough reason to kill my pet."
Dahil sa nagviral na hashtag na ito, umalingawngaw ang issue ng iba't-ibang kaso ng animal abuse sa bansa,
lalo na ang mga abusong dinaranas ng mga stray animals.
Pinuna ng mga netizen ang tila paglitaw ng diskriminasyon sa mga stray animals, partikular sa mga aspin,
dahil sa pag-ani ng mas maraming pansin ng naturang insidente kumpara sa mga kaso ng pang-aabuso
sa mga stray dogs.
Sa kabilang banda naman, tinignan ng ibang netizen ang pagviral ng insidenteng ito bilang isa sa mga naging
gabay at nagbigay daan upang magkaroon ng espasyo ang mga ganitong pangyayari sa ating lipunan.
Comments
Post a Comment