"Natutunan ko rin palang maghintay sa mga malaking blessing na darating"; #EndTheStigma ang panawagan ng health professionals sa kanilang Grand Socialization Day

    

 "Natutunan ko rin palang maghintay sa mga malaking blessing na darating"; #EndTheStigma ang panawagan ng health professionals sa kanilang Grand Socialization Day

Vince Janssen F. Moraga


    Iyan ang hawak ni Kuya "Peter", isang kliyente ng Calming Thoughts na naging pasyente ni Jericho, nang halos dalawa nang dekada.

    "Kumbaga para maintindihan ng lahat, para silang normal na tao[,] sadyang nagpa-admit lang dahil may lagnat sila." Ito naman ng pahayag ng 3rd year Nursing student na si Jericho Samonte matapos idaoaos ng Calming Thoughts St. John (SJ) Home Care Services ang Grand Socialization Day nitong Marso 9 sa Sto. Domingo, Minalin sa Pampanga kasama ang Bachelor of Science (BS) in Nursing students ng Bulacan State University (BulSU) Malolos.

    Sa isang Facebook post, ipinarating niya na isang "eye-opener" ang karanasan sa institusyon ng Calming Thoughts sa kasalukuyang kalagayan ng mental health at mga kliyente nito.


Calming Thoughts Saint John Home Care Services sa Minalin, Pampanga
Kuha ni: Vince Janssen F. Moraga

    Isinalaysay ni Jericho na bahagi ito ng kanilang board subject na "Psychiatric Nursing", kung saan bukod sa obserbasyon at pangangalaga, nakikihalubilo rin sila sa mga kliyenteng nabubuhay na may mental health disorders.

                          Panghuling araw ng mga estudyante ang Grand Socialization Day upang makausap ang mga kliyente, mula sa iba't ibang kaso tulad ng autism, dementia, Alzheimer's, bipolar (disorder), at depression ayon sa Student Wellness Coordinator at propesor ni Jericho na si Josefina Reyes, RM.


Si Josefina Reyes ng College of Nursing. Kuha ni: Vince Janssen F. Moraga

    Sa pahayag naman ni Nursing Assistant Oleiya Punzal mula sa Calming Thoughts SJ, huwag raw sanang panidirihan bagkus ay suportahan ang mga taong nabubuhay na may mental health disorders, na naman bahagi ng kanilang panawagan na #EndingTheStigma.


Si Nursing Assistant Oleiya Punzal. Kuha ni: Vince Janssen F. Moraga

    "They need love. They need care. They need us." Iyan ang nais iparating ng propesor sa publiko, para sa mga kliyente ng Calming Thoughts at sa mga nakakahalubilo sa lansangan na nabubuhay nang may mental illness.

    Maaaring makipag-ugnayan sa Facebook page ng Calming Thoughts SJ Home Care Services o sa kanilang email na calmingthoughtsSJ@gmail.com sa mga nais magpaabot ng tulong.

Comments

Popular posts from this blog

'FILO ENGENES KEEP ON WINNING': Enhypen ties with PH fans bides stronger

Survey 1: Survey of community issues/problems among citizens of Barangay Binuangan, Obando, Bulacan.