Placard na gawa ng Bulsuan upang humanap ng jeep, inulan ng tawanan
Placard na gawa ng Bulsuan, inulan ng tawanan
Nato, Melaiza O. | BA Journalism | March 22, 2024
Grupo ng mga engineering student mula sa Bulacan State University, pinagkaguluhan sa facebook matapos silang gumawa ng placard upang makahanap ng jeep pauwi sa kanilang bahay.
Napagkatuwaan ng grupo ng mga 2nd year engineering student mula sa Bulacan State University nitong Feb. 28 ang paggawa ng kanilang placard upang humanap ng jeep na kanilang masasakyan pauwi, makikita ang malaking sulat ng Marilao Crossing sa kanilang placard.
Kwento ng uploader na si Larence Sto. Tomas na isa sa makikita sa video ay may nakuha silang styro sa gilid ng daan at dahil sa hirap humanap ng masasakyan ay sinulat nila ang ruta ng jeep na kailangan nilang sakyan.
Satire man itong titignan ngunit matatawag daw nila itong "desperate attempt" upang makauwi kaya dahil na rin sa hirap ng paghahanap ng masasakyan ay naisip nilang gawin ang nasa video.
Bago pa man ang jeepney phase out ay sinasabing danas na nila ang paghina ng jeep na kanilang sinasakyan sa araw-araw.
Unang makikita ang video na ito sa fb page
ng BulSU Capture.
Video mula kay Larence Sto. Tomas.
Comments
Post a Comment