Sunog sa PH Arena Bypass Road
Sunog sa PH Arena Bypass Road
:Llanos, Thana Alliah Mae R.
Isang malawakang grassfire ang nangyari sa bahagi ng Ciudad de Victoria , Philippine Arena Bypass Road sa Bulacan noong March 12.
Ayon kay Binang Agulto, isang saksi at uploader ng video ng sunog, bandang alas kuwatro ng hapon nila nakitang sumiklab ang sunog kasabay ng makapal at maitim na usok nito. Ngunit base naman kay Cherry David na isang residente sa lugar, alas tres pa lamang ng hapon ay mayroon ng maliit na apoy at konting usok silang napansin sa lugar at nagulat na lamang sila sa mabilis na paglaki nito.
Agad naman itong nirespondehan ng mga bumbero sa pangunguna ng Philippine Arena Rescue Team kasama ang San Gabriel at Sta. Maria Fire District . Idineklara nilang fire out ang sunog bandang alas otso ng gabi.
Base sa mga awtoridad, ang tinitignan nilang anggulo na sanhi ng sunog ay ang pagsadya rito para pakinabangan sa pagtatanim , o ‘di kaya’y may nag itsa ng sigarilyo.
“Isang malaking factor din na tuyot ang mga damo saka siguro sa sobrang init kaya mabilis (na) lumaki yung grassfire natin dito,” ani pa ng isang bumbero mula sa Sta. Maria Fire District.
Kinabukasan matapos ang sunog, sinabi ng Philippine Arena Rescue Team na ‘case closed’ na ito at hindi na pina-imbestigahan pa dahil sa kawalan ng ebidensya.
“Wala rin namang casualties and damages kaya hindi na siya pina-imbestigahan,” ani pa ng rescue team.
Dahil sa nangyari, pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga residente, pati na rin ang kalapit na mga lugar na mag-ingat upang maiwasan ang ganitong mga problema lalo ngayon na Fire Prevention Month.
Other pictures and videos :
https://drive.google.com/drive/folders/1W71iIBFZERPPuDUDCxPg0BtXgw7O56mW?usp=sharing
Comments
Post a Comment