Survey 2: Survey of Community Issues/Problems Among Local Officials of Barangay San Gabriel, Macabebe, Pampanga
SURVEY 2: Survey of Community Issues/Problems Among Local Officials of Barangay San Gabriel, Macabebe, Pampanga
PANIMULA: Sa aming pagbisita sa Brgy. San Gabriel sa Macabebe, agad na bumungad sa amin ang pagpapataas ng daanan at sa amin pang paglilibot ay kita sa ilang kabahayan ang iniwang lumot at bakas ng lebel ng tubig na dulot ng mataas na pagbaha.
Kaya namang minabuti naming hingin ang panig ng ilang lokal na opisyales ng Brgy. San Gabriel patungkol sa usaping ito at sa iba pang kinakaharap ng kanilang barangay.
Narito ang naging pahayag o tala ng ilang opisyales:
BRGY. CAPTAIN “ROLAN JAYSON BANTUG”
Sa aming pang pakikipag panayam kay Kapitan. Rolan ay naitanong na rin namin kung ano pa ang kanilang susunod na hakbang sa isyu o problemang ito.
Ito ang kanilang binubusising plano:
Pagsasa-ayos ng landas ng mga kabahayan
Ring Dike
Pumping Station na maaaring simulan sa taong 2025
BRGY. SECRETARY “Maricel Bautista Villena”
BRGY. VAWC “Angela Jacalner”
Sa kabuuan ng aming pakikipag panayam ay lumalabas na matindi talaga ang kanilang kinakaharap na dulot ng baha. Saad pa ni Brgy. VAWC “Halos abutin na kami ng isang buwan sa pagtitiis ng taas ng baha rito.” Kung susumahing maiigi, may mabuti ring dulot ang pagtaas ng daan dito ngunit ang ganitong solusyon ay hindi permanenteng panghalili sa kanilang nararanasan dahil habang tumatagal ay mas lalo pang tumataas ang lebel ng tubig dagat at kung hindi talaga maaaksyunan ito ay maaaring ang Brgy. San Gabriel ay mabura na lang sa mapa.
Comments
Post a Comment