Paglubog sa Danas sa Brgy. San Gabriel sa Bayan ng Macabebe, Pampanga
“MACABABAD”
Final Report for Citizen and Community Journalism
In Partial Fulfillment of the requirements of Bachelor of Arts Major in Journalism
By:
Dumagat, Angel S.
Ventura, Beatriz Mae
(Group 6)
“MACABABAD"
Sa lumipas na mahabang panahon kilala na nga ang bayan ng San Gabriel bilang isa
sa mga lubos na naaapektuhan ng malalang pagbaha. Noon pa man ay nararanasan
na ng mga residente ang pasakit na dala nito sa kanilang buhay, mula sa pang
araw-araw na pamumuhay, dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad para sa kanilang
hanapbuhay, maging sa pag-aaral at simpleng bagay na hirap silang gawin dahil sa
kinakaharap na paglaki at pagtaas ng tubig. Sa loob ng mahabang panahon, ay tila
nanatili na lamang sila sa kung ano man ang kanilang kinagisnan. Dumating na nga sa
punto na maski ang mga nakatira rito mismo ay binansagan na ang kanilang lugar na
“Macababad” dahil ang lugar daw ng Macabebe ay lagi na lamang nakababad sa baha.
Pinili naming bigyang pansin ang bayan na ito, sa kadahilanang hindi lang namin
gustong bigyan ng lente ang hirap na kanilang dinaranas, kundi mabigyan ding diin
kung ano man ang plano at mga naging hakbang kung bakit ganito pa rin ang maging
sitwasyon at kalagayan ng ilang residente rito. May kinalaman ba ang mga namumuno
o ang mismong mga nasa komunidad? Ano pa kaya ang ibang dahilan ang
nakakadagdag sa problema ng nasabing bayan, ito kaya’y nakikita at alam ng mga tao?
Ilan lamang yan sa binigyan naming lente sa isinagawa naming istorya.
Bilang laging laman ng balita tuwing kasagsagan ng tag-ulan, habang isinasagawa
namin ang aming istorya, minabuti muna naming magsaliksik sa kung ano mang mga
suliranin na nagaganap sa bayang ito. Sa aming pagtungo sa bayang ito, agad na
tumambad at sumalubong sa amin ang isinasagawang pagpapataas ng daanan upang
bigyang kalutasan ang mga iniinda ng mga residente ng nasabing komunidad. Higit pa
rito, ay aming nasaksihan ang mga ilang naiwang marka at pinsala na dulot ng mga
nagdaang mataas na pagbaha. Upang bigyang importansya ang mga residente ng
San.Gabriel ay minabuti naming dinggin ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng
kanilang pagbibigay boses. Sa paglubog nga sa kanilang mga danas at pakikisalamuha
ay hindi sapat ang ilang araw at linggong pagtungo sa kanilang komunidad, sa
kadahilanang hindi lamang malalang pagbaha ang kanilang iniinda, kundi ang ilang
serbisyo na maghahatid sana sa kanila ng kaunting ginhawa gaya na lamang ng ayuda,
kakulangan ng relief goods tuwing bagyuhan at tulong pang pinansyal para sa mga
senior citizens. Higit pang isang problema ay ang hindi maayos na daluyan ng tubig
gaya ng drainage system na magsisilbi sanang pang-iwas sa mataas na pagbaha at
ang isa pang tinitignang dahilan ay ang mahigit dalawang dekada na iniwang matinding
pinsala at bakas ng pagputok ng Bulkang Pinatubo, nagkaroon ng pagbabagong pisikal
ang naturang bayan na siyang naging isang dahilan upang mas lalong lumubog ito.
Kung susumahin ngang maigi ay hindi lang naman dapat pagpapataas ng daanan ang
dapat maging solusyon.
Mga ilang piling larawan sa kanilang kasalukuyang kaganapan:
Sa aming unang pagpunta ay makikita agad ang matinding pinsala ng mga nagdaang
bagyo at matinding pagbaha sa kanilang lugar. Tunay ngang kasama na nila ito sa
kanilang pang araw-araw na pamumuhay na nagsisilbing sagabal at nagiging
pagkakakilanlan ng kanilang bayan.
kuha mula sa mga pathway at daanan
kuha mula sa Mababang Paaralang Elementarya ng San Gabriel
Makikita rin ang pinsalang dulot nito sa pag-aaral ng mga bata. Base sa mga nakausap
naming bata na naabutan naming naglalaro malapit dito, hindi na daw nila nagagamit
ang ibang mga silid aralan dahil na rin sa maputik at madulas ang mga ito. Makikita na
hindi na ito isang ligtas na espasyo para sa mga mag aaral. Tuwing sasapit daw ang
baha ay modular ang iniimplementa at ang ibang nakatira dito ay napipilitan mag enroll
sa ibang eskwelahan dahil sa limitado ang mga silid-aralan para sa kanila.
Maikling bidyo/pagbubuod kung saan makikita ang iba’t-ibang epekto ng
matinding pagbaha sa kanilang pamumuhay
Upang malaman at mapakinggan ang plano ng mga kinauukulan sa lugar na ito minabuti namin makapanayam ang punong barangay ng San Gabriel na si Igg. Rolan Jayson S. Bantug at ito ang kanyang naging sagot;
- ring dike and pumping station by 2025. Ito ang isa sa mga nilolook forward na magawa ng administrasyon ng kanilang bayan,
ngunit kapos pa sa plano kung paano at ano ang mga unang dapat gawin. Hindi rin
namin nabigyang diskusyon ang budget dahil wala pa raw ibinibigay sakanilang
konkretong plano hanggang ngayon.
Anu’t-anuman hindi naman mawawalan ng problemang kinakaharap ang isang bayan
ngunit kung ito’y matagal ng iniinda, hindi ba’y repleksyon na ito ng palpak na serbisyo?
Gaya nga ng pagtambad sa amin ng ginagawang daanan, hindi ba ito’y isang Band-Aid
solution lamang? Sa pagtungo namin sa Pamahalaan ng Brgy. San Gabriel marami
ngang proyekto ang naka-abang para sa bayang ito ngunit ang mga opisyales at mga
residente ay parehas humihingi ng tulong sa mas nakakataas para matugunan ang
problemang ito, mas kailangan ang may kakayahan upang mabigyang pansin ito ng
mas nakararami. Matagal na ang panahon na humihingi ang bayan ng San Gabriel ng
pansin sa isyung ito, ngunit tila hindi mapakinggan ang hiling nila ukol sa mas maayos
at hindi pangmatagalang solusyon para sa kanilang bayan. Sa pagdaan ng araw mas
lalo lamang silang nilulubog sa mga solusyon na pang madalian lalo na ngayon at
lumalala na ang climate change at mas nagiging marahas na ang hagupit ng kalikasan
Comments
Post a Comment